In light of the recent 60-day probation imposed by the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Party Pilipinas has aired an apology on the program’s February 10 episode.
The probation was due to the sexually-charged scenes in the show’s January 27 episode that showed Lovi Poe and Rocco Nacino in a very suggestive production number. (Video here.)
The public apology was one of the demands of MTRCB to the GMA-7 musical variety show.
Here’s the full transcript:
Noong January 29, 2013, tinawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pansin ng GMA Network (GMA) patungkol sa mga reklamong natanggap na may kinalaman sa "Opening Number" ng programang "Party Pilipinas" na lumabas noong Enero 27, 2013.
Sinabi ng MTRCB na ang "Opening Number" ay hindi angkop sa mga batang may murang edad dahil sa mga eksenang may suhestyon at mga galaw na sekswal. Dahil dito ay gumawa ang GMA7 ng imbestigasyon upang matukoy kung ano ang pagkakamali at ang mga taong may kinalaman sa pagkakamali at kung paano hindi na mauulit ang ganitong pangyayari.
Habang umuusad ang imbestigasyon ng GMA7, nais naming humingi ng pag-unawa sa mga manonood na maaaring nabahala at hindi nagustuhan ang mga nasabing eksenang naipalabas sa "Party Pilipinas." Inaako namin ang responsibilidad sa nangyari. Sisikapin ng GMA7 na lubos na magampanan ang aming tungkulin, na bigyan ang lahat ng manonood ng mga programa na makabuluhan at angkop sa edad ng mga manonood.
Sa mga susunod na mga araw, ang GMA ay makikipagtulungan sa MTRCB upang lalong pagtibayin ang mga proseso at pamamaraang ginagamit para maiwasan ang ganitong pangyayari. Makaaasa ang lahat na gagawin ng GMA ang nararapat upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga manonood, lalo na ang mga batang may murang edad."
For more television, movie, and music updates, like/follow The Ultimate Fan on Facebook and Twitter.
0 comments:
Post a Comment