Skip to main content

Jose Manalo's statement re daughter's suicide attempt

Jose Manalo has released a statement tegarding the reported suicide attempt of his 17-year-old daughter, allegedly due to the comedian-TV host's failure to send her to her school of choice.

In a lengthy statement, Manalo denied rumors that he neglects his children with estranged wife Anna Lyn. He said he provides for them and part of his salary even goes straight to his children's respective schools.

However, the statement also says that providing for the kids is also a duty of Anna Lyn as a parent.

Here' Manalo's statement:
Ikinalulungkot ni Jose Manalo ang balitang nagtangka ang isa sa kanyang mga anak na wakasan ang buhay nito.

Ikinababahala rin niya ang mga walang batayang paratang at balitang lumalabas laban sa kanya, kaugnay ng mga pahayag na hindi raw siya nakapagbibigay ng suporta sa kanyang pamilya at ang kanyang umano’y pagtanggi sa pagtustos sa edukasyon ng kanyang mga anak.

Upang mabigyan ng linaw ang mga paratang na ito at upang maiwasan ang paglala ng alitan sa kanilang pamilya, nais ni Jose na maiparating ang pahayag na ito.

Hindi maitatangging puno ng mabibigat na suliranin ang relasyon nina Jose at ng kanyang asawang si Anna Lyn.

Kasama na rito ang mga kasong sibil at criminal na isinampa laban kina Jose at Anna Lyn para sa mga transaksyong kinasasangkutan ni Anna Lyn na nagkakahalagang higit sa Animnapu’t Walong Milyong Piso (P68,000,000.00), kung saan nadawit si Jose.

Maliban dito, nagsampa ng kaso si Anna Lyn at ang kanilang mga anak laban kay Jose para sa paghingi ng sustento at pati na rin ang kasong isinampa ng isa sa kanilang mga anak laban kay Jose para sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 9262.

Sa kasalukuyan, ang mga kasong ito ay naisangguni na ni Jose sa kanyang mga abogado para sa nararapat na aksyon.

Pinagbawalan na rin si Jose na magbigay pa ng pahayag patungkol sa mga kasong isinampa laban sa kanya, habang ang mga ito ay dinirinig ng mga wastong awtoridad.

Mariing pinabubulaanan ni Jose ang mga paratang na siya ay nagpabaya, mapa-pinansyal o iba pa, sa pagbibigay ng suporta sa mga anak nila ni Anna Lyn.

Sa katotohanan, patuloy ang pagbibigay ni Jose ng sustento sa kanyang mga anak, na naaayon sa kanyang kakayahan at kapasidad.

Maliban dito, binibigyang-halaga ni Jose ang edukasyon ng kanyang mga anak at nagsisikap na mapagkalooban sila ng pang-tustos para dito.

Truth is, Jose has given TAPE INC. the authorization to deduct from his pay the tuition fees of all his children, and they (TAPE) have been remitting these directly to their respective schools.

Sa katunayan, salungat sa mga walang batayang alegasyon laban kay Jose, sinusunod niya ang lahat ng utos ng hukuman patungkol sa suportang hinihingi ni Anna Lyn para sa kanilang mga anak.

Kaya’t ikinalulungkot ni Jose ang mga kasalukuyang nagaganap, kung saan naiilarawan siya sa ibang paraan.

Maliban dito, ikinalulungkot din ni Jose ang pagwawalang-bahala at paminsang pagsamantala sa kanyang mga pagsisikap na masustentuhan ang kanilang pamilya.

Nais iparating ni Jose na ang pagbibigay ng sustento at suporta sa pamilya ay obligasyon din ni Anna Lyn bilang isang magulang.

Dahil dito, kinakailangan ang kanilang sabay na pagsisikap upang magkasundo para sa ikabubuti ng kanilang mga anak.

Tunay na nakalulungkot na humantong sa ganitong pamamaraan si Anna Lyn at ipinamalita pa ang kondisyon ng kanilang anak.

Kaya’t hinihikayat ni Jose na maging makatwiran si Anna Lyn at pigilin ang sarili na gumawa pa ng mga aksyon na makapipinsala sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Nakalulungkot din na ang mga pagsubok na ito sa pagitan ni Jose at ng kanyang pamilya ay nakaaakit ng hindi kanais-nais na atensyon mula sa media.

Makahahadlang lamang ito sa maayos at payapang paglutas ng kanilang mga suliranin. Higit sa lahat, hindi ito makabubuti sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Alang-alang sa pagmamahal ni Jose sa kanyang pamilya, nakikiusap siya sa media na bigyan sila ng kanyang pamilya ng pagkakataong maresolba ang mga pagsubok na ito sa pribado at matahimik na paraan.
For more entertainment news, follow The Ultimate Fan on Facebook and Twitter.

Popular posts from this blog

Marian Rivera Skype scandal?

An alleged photo of Marian Rivera that looks like she’s naked while having a video conversation with someone has become viral on social networking sites on Thursday, September 26, 2013.

Ram Revilla-Janelle Manahan Video Scandal

A sex video scandal of Janelle Manahan and the late Ram Revilla has been making its rounds on the internet and creating a buzz. The video was shot by Ram himself while he and his girlfriend was having intimate fun in the bathroom. Janelle was aware of what Ram was doing because he was actually holding the camera.

Paolo Contis' alleged video scandal leaks online

Joining the list of male celebrities with alleged video scandal is Paolo Contis, whose name has recently become trending on social media together with screenshots taken from a sensitive video of a man that looks a lot like him. Screen captures of the alleged Paolo Contis video scandal has made its way to various blogs. Collage of screenshots, allegedly all taken from the said scandalous video, are now starting to spread on the internet.

PBB Teen Edition 4 Audition at MOA on January 6 & 13

Aside from the London leg, Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4 is going to hold auditions at the Mall of Asia in Pasay City on January 6 and 13, 2012. To qualify, you must be 13-17 years old. Just bring your birth certificate to the audition venue along with a friend, relative or family member who is at least 20 years old.