Skip to main content

Renato Corona releases statement, says he’s willing to give life to country

Renato Corona, who was voted guilty by the senator judges on May 29th, released a statement.

20 out of 23 senators found Corona guilty as charged of Article 2 of the Articles of Impeachment that refers to the filing of SALN. Corona was accused of concealing some properties and cash deposits in his SALN since 2002.

According to the statement that was signed at Pasig City on May 29, 2012, Corona knew the president would use the full force of the government, including agencies such as the Kamara, BIR, LRA, AMLC, and Ombudsman, to remove him from his position.

He also said that government money was used to destroy his public image through campaigns on radio, television and newspapers.

He thanked the three senators who voted “not guilty” – Joker Arroyo, Miriam Defensor-Santiago and Ferdinand Marcos, Jr.

At the last part of the statement, Corona said he accepts the verdict if it is what would be good for the country. After all, he had been ready to give his life to the country from the very start.

Here is Renato Corona’s full statement:

Lubos kong ikinalulungkot ang naging pasiya ng Senate Impeachment Court. Bilang Punong Mahistrado, buong tapang at talino kong hinarap ang hamon ng impeachment at sumailalim ako sa proseso na alinsunod sa Saligang Batas, umaasang makakamit ang hustisyang aking hinanap ng mahigit limang buwan.

Hindi kaila sa akin na gagamitin ng Pangulo ang buong puwersa ng gobyerno, kasama na ang mga ahensiyang dapat sana ay malayang nagpapasiya - ang Kamara, ang BIR, ang LRA, ang AMLC, ang Ombudsman, at iba pa.

Hindi rin kaila sa akin na gagamit ng kabang-yaman para sa mapanira at mapang-aping media campaign, sa radyo, telebisyon at dyaryo, laban sa akin at sa aking pamilya. Lahat po ito ay tinanggap ko, alang-alang sa kasarinlan ng Hudikatura, upang maitaguyod ang kalayaang magpasiya ng mga hukuman, na isang napakahalagang sangkap ng ating demokrasya.

Ngunit nanaig ang masamang pulitika. Wala po akong sala. Wala pong katotohanan ang mga bintang sa akin na nakapaloob sa Articles of Impeachment. Malinis po ang konsyensiya ko. Ngunit isang malungkot na katotohanang pulitikal na minsan ang tingin ng nakararami na nangyari, ay hindi naaayon sa tunay na mga naganap. Lalo na kapag hawak ng iisang tao o pangkat ang buong makinarya ng pamahalaan, at maging ang media na rin, at gamitin ang mga ito upang gumawa ng huwad na dokumento at maglathala ng mapanlinlang na impormasiyon at balita upang manira ng kalaban. Ang lagi nga pong katanungan ay, "Kung malakas ang kaso, bakit kailangan mag-imbento?"

Ang ating bansa ay matagal nang ginambala ng impeachment na ito. At ngayong gabi, inaanyayahan ko kayong talikuran ang naging sentro ng palabas na ito nitong nakaraang limang buwan, upang buuin ang hiblang nagkawatak-watak, at ibaling muli ang ating pansin sa lahat ng mga pagsubok at pangako ng Pilipinas sa susunod na siglo.

Ihinto na po natin ang pulitika ng personal na paninira. Supilin na po natin ang lason na dulot ng labis na kampi-kampihan, labis na pagkakawatak-watak, at hindi mapigilang poot at galit. Hindi po ito ang nararapat para sa ating bayan. Hindi po ito ang buod ng bansang Pilipinas. Panahon na upang isulong ang ating buhay bilang isang bansa.

Tayong lahat ay may mga mahalagang tungkuling dapat tugunan - tunay na mga pagkakataong kailangang samantalahing maabot, totoong mga suliraning kailangang lutasin, at tunay na mga usaping dapat harapin.

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa iilang Senador, sina Senador Joker Arroyo, Senadora Miriam Defensor Santiago at Senador Bongbong Marcos na may matatag na kaloobang manindigan sa kabila ng matinding puwersa upang ipaglaban ang kasarinlan ng Hudikatura at ang aking mga karapatan na malinaw na nakasaad sa ating Saligang-Batas.

Nagpapasalamat din po ako sa mga napakarami nating mga kababayan na nagparating ng kanilang pakiki-isa sa amin sa Kataastaasang Hukuman, sa akin, at sa aking pamilya. Kasabay nito, ako po ay humihingi ng paumanhin sa aking maybahay, mga anak at apo, sapagkat sa aking pagtatanggol sa kasarinlan ng Hudikatura ay nailagay ko sila sa kalbaryong hindi naman nila kinailangang maranasan. Pati na rin po sa mga tumulong at sumuporta sa akin, humihingi rin po ako sa inyo ng paumanhin, sapagkat hindi naging sapat ang aking kakayahan upang magtagumpay sa hangarin nating pairalin ang katotohanan.

Kung ito po ang ikabubuti ng ating bayan, tinatanggap ko na po ang kalbaryong aming pinagdaanan. Dahil sa simula't sapul naman, ay handa na akong mag-alay ng sariling buhay para sa bayan. Kung kaya, ipinapaubaya ko na po sa ating Poong Maykapal at sa taong bayan na higit na makapangyarihan sa ating demokrasya ang aking kinabukasan at ang kinabukasan ng ating Hudikatura.

Maraming salamat po.

The Medical City, Pasig City. Ika-29-ng Mayo, 2012.

(signed)
Renato C. Corona

For more television, movie, and music updates, like/follow The Ultimate Fan on Facebook and Twitter.

Comments

Popular posts from this blog

Marian Rivera Skype scandal?

An alleged photo of Marian Rivera that looks like she’s naked while having a video conversation with someone has become viral on social networking sites on Thursday, September 26, 2013.

Paolo Contis' alleged video scandal leaks online

Joining the list of male celebrities with alleged video scandal is Paolo Contis, whose name has recently become trending on social media together with screenshots taken from a sensitive video of a man that looks a lot like him. Screen captures of the alleged Paolo Contis video scandal has made its way to various blogs. Collage of screenshots, allegedly all taken from the said scandalous video, are now starting to spread on the internet.

Ram Revilla-Janelle Manahan Video Scandal

A sex video scandal of Janelle Manahan and the late Ram Revilla has been making its rounds on the internet and creating a buzz. The video was shot by Ram himself while he and his girlfriend was having intimate fun in the bathroom. Janelle was aware of what Ram was doing because he was actually holding the camera.

Jhong Hilario's private part makes a cameo

Jhong Hilario has been making some noise over a revealing photo that he posted on Instagram. He immediately took the photo down but not before some netizens have grabbed it and posted it online. The much talked about photo was a collage that showed part of a bathroom, a bathtub filled with water, and a photo of his legs while in the bathtub. It's not just his legs that were shown in the picture, though, because in between the top of his thighs showed the tip of his privates!

Joseph Marco is Hot Part 3

Now that ABS-CBN 's afternoon soap Sabel has come to an end, we will surely miss Joseph Marco and his sexy glory . But as hunky as he is, I'm sure the network won't keep him idle for so long. I'm sure we'll see him in one of their shows anytime soon. For the meantime, here's more screen grabs of Joseph Marco from Sabel .