The lady director ushered in the new year by being a trending topic on social media because of the open letter posted by Rossellyn Domingo, a bit player in the defunct ABS-CBN primetime series "Forevermore" which was directed by Direk Cathy.
Included in the open letter was the letter sent to ABS-CBN in October 2014 by her boyfriend Alvin D. Campomanes, an academic who, in goodwill, gave in to the request of a talent coordinator to do a bit role in the series because the original talent wasn't available.
Alvin's letter to the network, as it turned out, didn't see light. It was the reason why Rossellyn posted it on Facebook more than a year after.
The letter was about a talent (Alvin) who got hurt for being verbally abused by Direk Cathy.
One could not blame Alvin for being sensitive over being cursed at because he's not used to being in that world. But should being an artist, a director, for that matter, exempt you from cursing and in effect hurting the feelings of actors, new or old alike?
In an interview with TV host Boy Abunda, uploaded on YouTube by ABS-CBN Entertainment, Direk Cathy said that she's willing to meet up with Alvin and Rossellyn and apologize to them if she needs to.
"Sana makapag-usap kami, mag-aapologize ako if I need to. I will. I will own up to my mistake kasi nagkamali ako, nakapagmura ako, sa mga hindi naman pala nakakaalam ng industriyang 'to. But beyond that wala na akong ihihingi ng sorry," she said, crying.
Watch the full interview video below.
Meanwhile, Alvin took to Facebook Saturday morning, January 16, 2016, to write his reaction regarding the interview.
Ngayong umaga ko lamang napanood ang interview ni Boy Abunda kay Cathy Garcia Molina.
Narito ang aking reaksyon sa ilang punto na kanyang nabanggit:
1. Hindi maaring ihiwalay ang karakter sa taong gumaganap nito. Ang pagpapahiya sa isang tao ay tatatak sa kanyang pagkatao, hindi lamang sa ginagampanan niyang papel sa set. Alam ito ng mga talent at crew na namura na at napahiya. Sabi nga ng isang matandang talent na nagpadala ng mensahe sa akin, dala nila ang sakit hanggang pagtanda dahil hindi nila nagawang tumindig at lumaban.
Maling-mali ang pahayag na 'pagmumura lang' ang kanyang ginawa. Halimbawa, nang sigawan niya ako ng 'alam mo, ikaw, inutil ka!' at hinayaan niyang pinagtawanan ako sa set, hindi ba pagpapahiya ang tawag doon? Nakita ko kung paano niyang sawayin ang pagtawa ng crew kapag artista ang nagkakamali sa pagbigkas ng kanyang linya. Dagdag pa, para sa akin, di hamak na mas malaki ang impact sa lipunan ng aking propesyon kaya labis akong nasaktan.
2. Taliwas sa kanyang sinabi, ang pinakamaraming beses na nagkamali ako ay dalawang hanggang tatlong beses. Puro blocking lang ang naging pagkakamali ko, napakadali sanang itama kung maayos lamang ang pagbibigay ng instruction. Hindi naman mahina ang ulo ko para umunawa ng simpleng instruction, lalo na kung blocking lang.
Ang aking tanong, bakit hindi siya bastos sa 'malalaking' artista?
3. Bagamat maayos ang pagtatanong ni Boy Abunda, may mga detalye ang open letter na halatang mahirap gawan ng tanong dahil sa implikasyon nito hindi lamang sa network kundi sa buong industriya.
4. Ang pagpapalitaw ni Cathy Garcia Molina ng anggulo na natatakot siya sa kanyang seguridad, sa aking palagay, ay kalkulado para kunin ang simpatya ng tao.
Sa aming dalawa, sino kaya ang mas lantad sa panganib? Ni wala akong kotse at sumasakay lang ako sa jeep sa pagpasok at paglabas sa UP. Tahasang sinabi sa akin ng isang prominenteng abogado na mapanganib ang aking ginagawang paglaban, na maari ko itong ikamatay.
5. Bakit inilabas ang sulat sa social media? Lampas sa isang taon kaming naghintay ng hustisya mula sa ABS-CBN. Ang tanging hiningi namin noon ay pagharapin kami, pahingiin sila ng paumanhin at patawan sila ng disciplinary action. Nakailang palitan kami ng email nina Cory Vidanes at Lauren Dyogi, pareho silang nangako ng agarang aksyon ngunit walang nangyari. Maari rin nating itanong, kung ito kaya ay hindi naging viral, umaksyon pa kaya ang network? Malamang hindi na.
6. Hindi lamang kami ang nasaktan sa kanilang ginawa sa amin. Hindi ba nasaktan ang aming pamilya? Halimbawa, sa akin, hindi ba nasaktan ang mga aking mga naging estudyante at mga kaibigan, lalo na ang mga kapwa ko guro?
7. Bakit lumabas ang sulat pagkatapos ng Forevermore at A Second Chance? Delicadeza. Nasagot na ito sa open letter. Sa kabila ng kaapihang dinanas namin, pinili namin na huwag ilabas ang sulat noong tumatakbo pa ang teleserye at nasa mga sinehan pa ang pelikula upang hindi masabi ng network na ito'y paninira lamang o propaganda.
Nakailang request ng interview ang iba't ibang network sa amin pero wala kaming pinaunlakan KAHIT ISA. Ayaw naming gamitin ng mga karibal na network ang isyu laban sa ABS-CBN.
Ito ba'y hindi pa rin nila kayang ipagpasalamat?
For more entertainment news, follow The Ultimate Fan on Facebook and Twitter.
0 comments:
Post a Comment