Monday, June 30, 2014

Nora Aunor's official statement re National Artist controversy

Nora Aunor has released an official statement regarding her controversial non-inclusion in the list of National Artists of the Philippines this year.

The official list was released two weeks ago and the superstar's name was not included. It stirred much controversy especially because Nora was allegedly not picked due to her past drug case in the USA.

The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines (CCP) screen the nominees for National Artists. The submit the list of nominees to Malacanang for the president's approval.

Here's Nora Aunor's statement:
“Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin sa panahong ito ng usapin tungkol sa National Artist Awards.
“Inaamin ko pong nasaktan ako sa nangyari. Pero ang dagsa ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking mga kababayan—mga katrabaho ko sa industriya, mga fans at mga kaibigan, mga pari at madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National Artists, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa—ay sapat-sapat na upang maramdaman kong maski walang mang tropeo o karangalang igawad sa akin ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman ako ng mga kababayan ko, habang buhay sa kanilang mga puso, bilang isang artista ng bayan.
“Para sa akin po ay mas totoo at mas masarap ang karangalang ito dahil taos-pusong nanggagaling sa mga taong siyang dahilan kung bakit ako nagpapakabuti bilang isang artista—ang mga mamamayang Pilipino.
“Ang pagsuportang ito ang lalong nagbibigay ng lakas ng loob sa akin, at ng walang kapantay na inspirasyon, upang lalo kong pagbutihin ang aking sining, upang lalo akong sipagin sa pagbabahagi ng kung anumang talento meron ako, at upang lalo ko pang pag-ibayuhin na maging isang mabuti at marangal mamamayang Pilipino.
“Maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Diyos.”

For more entertainment news, follow The Ultimate Fan on Facebook and Twitter.