Tuesday, June 17, 2008

Jet is My Bet

ranjit
Jet (from starmometer.com)

Gusto ko si Jet. No'ng ipinakilala ang apat na pagpipilian para sa 16th scholar, sabi ko sa sarili ko kailangang bumoto ako. Pero nawala rin naman sa isip ko ang pagboto. Buti na lang nanalo s'ya. Kung tutuusin s'ya lang naman talaga ang may dating sa apat. Magaling din sanang kumanta si Lambert Reyes pero parang pang-banda lang s'ya. Puro British bands siguro pinapakinggan n'ya kaya he sounds like one.


Nagtataka lang ako kung bakit hindi na lang ipinasok 'yong 17th scholar in place of Consuelo (na hindi na nagpatuloy dahil sa kanyang medical condition). Kinailangan pa talagang kunin ang apat para pagbotohan. Pero sabagay, pangit nga naman kung tawagin ang 17th scholar tapos sasabihing papasok lang s'ya dahil may nag-back out na isa. At least kung may voting, may ipagmamalaki nga naman s'ya kahit papaano. Nga naman.. 'di ba?

Pero pasalamat tayo kay Consuelo. Ranjit "Jet" Singh, say thank you. Haha.

Pero bet ko talaga si Jet. If not for his voice, he's got an interesting personality. And the way he cried when his name was announced as the 16th scholar was quite moving. Ngawa kung ngawa habang yakap ang anak n'ya. Naalala ko tuloy si Jiriel ng PBB Teen Edition Plus. Tulo uhog sa pag-iyak no'ng manominate at halos lumuhod sa pagmamakaawa sa mga tao para iboto s'ya. Nakakaawa, pero s'ya pa rin ang kauna-unahang na-evict.

Pero astig pala ang pangalan ni Jet. Ranjit Singh. Historical figure!

0 comments:

Post a Comment